-
1 Corinto 13:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 pero kapag lubos na natin itong naunawaan, ang kakulangan sa kaalaman at sa kakayahang manghula ay matatapos din.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kapag lubos na natin itong naunawaan: Ang salitang Griego na teʹlei·os (isinalin ditong “lubos”) ay puwedeng mangahulugang “maygulang na; perpekto; kumpleto,” depende sa konteksto. Kahit may makahimalang kaloob ng ‘panghuhula’ at “kaalaman” ang ilang Kristiyano noong unang siglo, hindi nila lubos na nauunawaan ang layunin ng Diyos. (1Co 13:9) Sa talatang ito, ang teʹlei·os ay tumutukoy sa ‘lubos na pagkaunawa’ sa layunin ng Diyos na nakasulat sa Bibliya. Lubos nang mauunawaan ng mga Kristiyano ang mga hula sa Bibliya kapag lubos nang natupad ang mga ito at nangyari na ang kalooban ng Diyos.
-