-
1 Corinto 15:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Pero kung hindi binuhay-muli si Kristo, walang saysay ang pangangaral namin, at wala ring saysay ang pananampalataya ninyo.
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kung hindi binuhay-muli si Kristo: Ang pagkabuhay-muli ay isa sa “unang mga doktrina,” o pundasyon ng pananampalatayang Kristiyano. (Heb 6:1, 2) Kung hindi binuhay-muli si Jesus, hindi niya magagampanan ang isa sa napakahahalagang atas niya bilang Mataas na Saserdote—ang paghaharap kay Jehova sa langit ng halaga ng haing pantubos niya. (Heb 9:24) Malaki rin ang kaugnayan ng pagkabuhay-muli ni Kristo sa iba pang pangunahing turo ng Bibliya, kasama na ang tungkol sa soberanya, pangalan, at Kaharian ng Diyos at kaligtasan ng mga tao.—Aw 83:18; Mat 6:9, 10; Heb 5:8, 9.
-