-
2 Corinto 8:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Pero pasasamahin namin sa kaniya ang kapatid na puring-puri sa lahat ng kongregasyon dahil sa pangangaral nito ng mabuting balita.
-
-
2 Corinto 8:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Ngunit isusugo naming kasama niya ang kapatid na ang kapurihan may kaugnayan sa mabuting balita ay laganap na sa lahat ng mga kongregasyon.
-
-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang kapatid: Hindi pinangalanan ni Pablo ang kapatid na ito pero binanggit niya na inatasan itong “sumama sa . . . paglalakbay” nila. (2Co 8:19) Dalawang beses lang lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ang salitang Griego na isinaling “sumama sa . . . paglalakbay,” at ang isa pa ay mababasa sa Gaw 19:29, kung saan ginamit ang anyong pangmaramihan. Doon, binanggit si Aristarco na isa sa mga kasama ni Pablo sa paglalakbay. Naging malapít na kasamahan siya ni Pablo. Kaya ipinapalagay ng ilang iskolar na ang “kapatid” na tinutukoy dito ay si Aristarco, pero posible ring si Tiquico ito o iba pang kapatid.—Gaw 20:2-4; 27:2; Col 4:7, 10.
-