-
Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nag-aalala: Ang salitang Griego na meʹri·mna, na isinalin ditong “nag-aalala,” ay puwede ring isaling “nagmamalasakit; nababahala.” Binanggit ni Pablo ang tungkol sa pag-aalala niya sa mga kapatid pagkatapos niyang ilahad ang lahat ng panganib at paghihirap na naranasan niya. Ipinapakita lang nito kung gaano katindi ang pagmamalasakit niya sa mga kapuwa niya Kristiyano. (2Co 11:23-27) Patuloy siyang nakipag-ugnayan sa mga kapatid sa iba’t ibang kongregasyon, kaya nalalaman niya ang espirituwal na kalagayan ng mga Kristiyano doon. (2Co 7:6, 7; Col 4:7, 8; 2Ti 4:9-13) Gustong-gusto niya na lahat sila ay manatiling tapat sa Diyos hanggang wakas.—Tingnan ang study note sa 1Co 12:25, kung saan ginamit ang kaugnay nitong pandiwa na me·ri·mnaʹo sa katulad na diwa.
-