Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 12:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 dahil lang sa kamangha-manghang mga bagay na isiniwalat sa akin.

      Kaya para hindi ako magmataas, binigyan ako ng isang tinik sa laman,+ isang anghel ni Satanas, na laging sasampal* sa akin para hindi ako magmataas.

  • 2 Corinto 12:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 dahilan lamang sa kalabisan ng mga pagsisiwalat.

      Kaya nga, upang hindi ako makadama ng labis na pagmamataas,+ ibinigay sa akin ang isang tinik sa laman,+ isang anghel ni Satanas, upang palaging sumampal sa akin, upang hindi ako labis na magmataas.

  • 2 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 12:7

      Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya, artikulo 49

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      11/2019, p. 9

      Workbook sa Buhay at Ministeryo,

      5/2019, p. 4

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 516, 1320-1321

      Ang Bantayan,

      4/1/2014, p. 5

      6/15/2008, p. 3-4

      12/15/2006, p. 24

      8/15/2006, p. 21

      8/1/2005, p. 21-22

      2/15/2002, p. 13-14

      3/1/2000, p. 4

      6/1/1997, p. 25

      9/15/1990, p. 27

      11/15/1987, p. 29

      Ministeryo sa Kaharian,

      5/1998, p. 1

      Gumising!,

      5/22/1997, p. 18-19

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12:7

      kamangha-manghang: Ginamit ni Pablo ang salitang Griego na hy·per·bo·leʹ para ilarawan ang pagiging ‘kamangha-mangha,’ o espesyal, ng mga pagsisiwalat na natanggap niya. (Tingnan ang study note sa 2Co 12:2.) Walong beses na lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ang salitang Griegong ito, at ang lahat ay makikita sa mga isinulat ni Pablo. Iba-iba ang pagkakasalin dito, depende sa konteksto. Halimbawa, sa 2Co 4:7, isinalin itong “lakas na higit sa karaniwan,” at sa 2Co 1:8 naman, tumutukoy ito sa“matinding hirap” na naranasan ni Pablo at ng mga kasama niya.—Tingnan sa Glosari, “Eksaherasyon.”

      isang tinik sa laman: Dito, gumamit si Pablo ng isang metapora para tumukoy sa isang paghihirap na patuloy niyang nararanasan. Kapag natinik ang isang tao, hindi nawawala ang kirot nito. (Ang salitang Griego na “tinik” ay puwedeng tumukoy sa anumang bagay na matulis, gaya ng tulos, salubsob, o tinik.) Hindi sinabi ni Pablo kung pisikal o emosyonal ang tinutukoy niyang kirot na dulot ng tinik na ito. May mga isinulat si Pablo na nagpapahiwatig na may problema siya sa paningin, na posibleng nagpapahirap sa kaniya sa paglalakbay, pagsusulat ng liham, at pagmiministeryo. (Gal 4:15; 6:11; tingnan din ang Gaw 23:1-5.) Sa konteksto namang ito, binanggit ni Pablo ang tuloy-tuloy na pagpuntirya sa kaniya ng mayayabang niyang kaaway, ang huwad na mga guro, kaya posible ring ang tinutukoy niyang tinik ay ang paghihirap ng kalooban niya dahil sa kanila. (Tingnan ang study note sa 2Co 11:5.) Anuman ang nagpapahirap kay Pablo, tinawag niya itong isang anghel ni Satanas, na nagpapakitang gustong gamitin ni Satanas ang anumang paghihirap, pisikal man o emosyonal, para pahinain ang isang lingkod ng Diyos. Pero nanatiling positibo si Pablo sa harap ng pagsubok na ito. Inisip niya na ang “tinik” na ito ay makakatulong sa kaniya na “hindi . . . magmataas” at patuloy na mapasaya ang Diyos.—Mat 23:12.

      sasampal: O “hahampas.” Ang pandiwang Griego na ginamit dito ni Pablo ay puwedeng tumukoy sa literal na pagsampal, paghampas, o pagsuntok. Kaya sa Mat 26:67, binanggit na “sinuntok” si Jesus ng mga sundalong Romano. Sa 1Co 4:11 naman, mas malawak ang kahulugan ng salitang ito at tumutukoy sa pagmamaltrato sa isang tao.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share