Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Corinto 12:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Baka pagbalik ko riyan, hayaan ng aking Diyos na makadama ako ng kahihiyan sa harap ninyo, at baka kailangan kong magdalamhati dahil sa marami na namuhay nang makasalanan pero hindi pinagsisihan ang kanilang karumihan at seksuwal na imoralidad* at paggawi nang may kapangahasan.*

  • 2 Corinto 12:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Marahil, kapag pumariyan akong muli, ay ibababa ako ng aking Diyos sa gitna ninyo, at maipagdadalamhati ko ang marami sa mga nagkasala+ noong una ngunit hindi nagsisi sa kanilang karumihan at pakikiapid+ at mahalay na paggawi+ na kanilang isinagawa.

  • 2 Corinto
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 12:21

      Ang Bantayan,

      3/15/2012, p. 31

  • Mga Study Note sa 2 Corinto—Kabanata 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12:21

      karumihan: Sa tatlong terminong nakalista sa talatang ito (“karumihan,” “seksuwal na imoralidad,” at “paggawi nang may kapangahasan”), ang “karumihan” (sa Griego, a·ka·thar·siʹa) ang may pinakamalawak na kahulugan. Sa literal, ang salitang ito ay tumutukoy sa anumang marumi. (Mat 23:27) Sa makasagisag na diwa nito, puwede itong tumukoy sa iba’t ibang karumihan—halimbawa, sa seksuwal na gawain, pananalita, pagkilos, o pagsamba. (Ihambing ang 1Co 7:14; 2Co 6:17; 1Te 2:3.) Ang “karumihan” ay may iba’t ibang antas at puwedeng tumukoy sa iba’t ibang uri ng kasalanan. (Efe 4:19) Idiniriin nito ang pagiging kasuklam-suklam ng isang kalagayan o maling gawain.—Tingnan sa Glosari, “Marumi,” at study note sa Gal 5:19.

      seksuwal na imoralidad: Ang salitang Griego na por·neiʹa ay sumasaklaw sa lahat ng pagtatalik na labag sa sinasabi ng Bibliya, gaya ng pangangalunya, seksuwal na mga gawain sa pagitan ng mga hindi mag-asawa o ng mga magkasekso, at iba pang kasalanang may kaugnayan sa pagtatalik.—Tingnan sa Glosari at study note sa Gal 5:19.

      paggawi nang may kapangahasan: O “paggawi nang walang kahihiyan.” Ang salitang Griego na a·selʹgei·a ay tumutukoy sa mabigat na paglabag sa mga batas ng Diyos at sa pagiging pangahas at lapastangan.—Tingnan sa Glosari at study note sa Gal 5:19.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share