-
Efeso 5:28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 Sa katulad na paraan, dapat mahalin ng mga asawang lalaki ang kanilang asawang babae na gaya ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kaniyang asawang babae ay nagmamahal sa sarili niya,
-
-
Efeso 5:28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 Sa ganitong paraan dapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kani-kanilang asawang babae na gaya ng sa kanilang sariling mga katawan. Siya na umiibig sa kaniyang asawang babae ay umiibig sa kaniyang sarili,
-
-
Mga Study Note sa Efeso—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mahalin: Maraming beses na ginamit ni Pablo ang pandiwang Griego na a·ga·paʹo (mahalin) sa kontekstong ito para ilarawan ang pag-ibig na dapat ipakita ng isang lalaki sa asawa niya. (Efe 5:25, 33) Inihalintulad ni Pablo ang pag-ibig na iyan sa pag-ibig ni Kristo sa kongregasyon. (Tingnan ang study note sa Efe 5:25.) Detalyadong inilarawan ang katumbas nitong pangngalan na a·gaʹpe (pag-ibig) sa 1Co 13:4-8. Ang Kristiyanong pag-ibig na ipinapakita sa loob ng pamilya ay kombinasyon ng magiliw na pagmamahal at ng determinasyong gawin ang tama sa paningin ng Diyos na Jehova.—Tingnan ang study note sa 1Co 13:4.
-