Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Tesalonica 1:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Dahil sila mismo ang paulit-ulit na nagsasabi kung paano namin kayo unang nakilala at kung paanong tinalikuran ninyo ang inyong mga idolo+ para magpaalipin sa buháy at tunay na Diyos

  • 1 Tesalonica 1:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Sapagkat sila mismo ay patuloy na nagbabalita tungkol sa kung paano kami unang pumasok sa gitna ninyo at kung paano kayo bumaling sa Diyos mula sa inyong mga idolo+ upang magpaalipin sa isang buháy+ at tunay+ na Diyos,

  • Mga Study Note sa 1 Tesalonica—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:9

      tinalikuran: Ang ginamit dito ni Pablo na pandiwa ay literal na nangangahulugang “bumalik; tumalikod,” pero dito at sa iba pang konteksto, nangangahulugan itong pagtalikod sa maling landasin para makapanumbalik sa Diyos. (Tingnan ang study note sa Gaw 3:19.) Tama ang desisyon ng mga Kristiyanong ito na talikuran ang pagsamba sa mga idolo at magpaalipin sa “buháy at tunay na Diyos.”

      inyong mga idolo: Laganap ang idolatriya sa Tesalonica. Punong-puno ang lunsod na ito ng mga templo para sa mga diyos na gaya nina Dionysus, Zeus, Artemis, at Apolos. May mga templo din para sa ilang bathala ng Ehipto at sa mga miyembro ng kulto ni Cabirus, isang diyos ng mga taga-Tesalonica. Isa pa, posibleng ituring ng ilan na rebelyon sa Roma ang pagtangging sambahin ang emperador. Karaniwan sa ilang templo noon ang mahahalay na gawain at seksuwal na imoralidad, kaya nagbabala si Pablo sa mga taga-Tesalonica na mag-ingat sa mga gawaing ito.—1Te 4:3-8.

      magpaalipin: O “maglingkod.” Ang pandiwang Griego na isinaling “magpaalipin” ay tumutukoy sa paglilingkod ng isang alipin, partikular na sa isang indibidwal na may-ari sa kaniya. Dito, ginamit ang termino sa makasagisag na diwa para tumukoy sa paglilingkod sa Diyos nang may buong debosyon. (Gaw 4:29; Ro 6:22; 12:11) Alam ni Pablo na kung ang isa ay ‘magpapaalipin sa buháy at tunay na Diyos,’ magiging maligaya siya, di-gaya ng mga nagpapaalipin sa mga walang-buhay na idolo, mga tao, o sa kasalanan.—Ro 6:6; 1Co 7:23; tingnan ang study note sa Mat 6:24; Ro 1:1.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share