Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Tesalonica 2:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Ang totoo, gaya ng alam ninyo, hindi namin kayo labis na pinuri at hindi rin kami naging mapagkunwari sa inyo para makakuha ng pakinabang.+ Saksi ang Diyos!

  • 1 Tesalonica 2:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Sa katunayan, kailanman ay hindi kami dumating na may pananalitang labis na mapamuri,+ (gaya ng alam ninyo) ni may balatkayo+ man para sa kaimbutan,+ saksi ang Diyos!

  • Mga Study Note sa 1 Tesalonica—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:5

      labis na pinuri: Ang labis na papuri ay hindi totoo at hindi taos sa puso, at kadalasan nang ginagamit ito para makakuha ng pabor o materyal na pakinabang. Hinahatulan ito ng Bibliya. (Aw 5:9; 12:2, 3) Ayon sa isang diksyunaryo, ang salitang Griego na ko·la·kiʹa, na isinalin ditong “labis na pinuri,” ay tumutukoy sa “papuri na lalong nagpapalaki sa ulo ng isa na mataas ang tingin sa sarili.” Isang beses lang lumitaw ang salitang ito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Sinabi ni Pablo na hindi niya “labis na pinuri” ang sinuman sa Tesalonica noong nangangaral siya at “saksi ang Diyos” dito. Kapag iniiwasan ng mga Kristiyano na maghangad ng labis na papuri, tinutularan nila ang napakagandang halimbawa ni Jesu-Kristo. Agad na itinuwid ni Jesus ang isang tagapamahalang Judio nang tawagin siya nitong “Mabuting Guro,” dahil lumilitaw na ginamit niya ito para labis na papurihan si Jesus.—Mar 10:17 at study note, 18; ihambing ang Job 32:21, 22.

      mapagkunwari: Sa kontekstong ito, ang salitang Griego na isinaling “mapagkunwari” ay puwedeng mangahulugang “nanlilinlang; may itinatago.” Ayon sa isang diksyunaryo, nangangahulugan ito na “ang ipinapakita ng isa ay iba sa kung ano talaga ang totoo.” Hindi kailanman naging sakim si Pablo at ang mga kasamahan niya; hindi nila kailangang magsinungaling at labis na purihin ang iba dahil wala naman silang itinatagong maling motibo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share