Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 4:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Huwag mong pabayaan ang regalong ibinigay ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng isang hula nang ipatong sa iyo ng lupon ng matatandang lalaki ang kanilang mga kamay.+

  • 1 Timoteo 4:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Huwag mong pababayaan ang kaloob+ na nasa iyo na ibinigay sa iyo sa pamamagitan ng panghuhula+ at nang ipatong sa iyo ng lupon ng matatandang lalaki ang kanilang mga kamay.+

  • 1 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:14

      Lubusang Magpatotoo, p. 121

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1385

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 688-689, 1309

      Ang Bantayan,

      11/1/2015, p. 14

      12/15/2009, p. 11

      9/15/2008, p. 30

      9/15/1999, p. 29

      2/15/1998, p. 25

  • Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:14

      Huwag mong pabayaan ang regalong ibinigay ng Diyos sa iyo: Tinutukoy dito ni Pablo ang isang regalong ibinigay ni Jehova kay Timoteo sa pamamagitan ng banal na espiritu. Lumilitaw na tumutukoy ito sa espesyal na pananagutan ni Timoteo sa bayan ng Diyos. Malamang na tinanggap niya ang regalong ito noong dumalaw si Pablo sa Listra sa ikalawang paglalakbay nito bilang misyonero. Nang panahong iyon, “isang hula” ang ibinigay tungkol sa magiging mga pananagutan ni Timoteo. Nang maglaon, naging naglalakbay na tagapangasiwa si Timoteo. Inatasan din siyang maglingkod nang ilang panahon sa Efeso bilang tagapangasiwa. (1Ti 1:3) Alam ni Pablo na masasayang ang isang regalo kung hindi ito gagamitin. Kaya nang payuhan niya si Timoteo na huwag pabayaan, o bale-walain, ang regalong natanggap nito, napaalalahanan niya si Timoteo kung gaano kahalaga ang regalong ito. Gusto niyang patuloy itong mahalin ni Timoteo sa pamamagitan ng pagbibigay ni Timoteo ng buong makakaya niya sa atas na ito.—Tingnan din ang 2Ti 1:6 at study note.

      sa pamamagitan ng isang hula: Posibleng tumutukoy ito sa isa sa mga hulang binanggit tungkol kay Timoteo nang dumalaw si Pablo sa Listra noong ikalawang paglalakbay nito bilang misyonero. Ang mga hulang ito ay lumilitaw na tungkol sa magiging pananagutan ni Timoteo sa kongregasyong Kristiyano. (Tingnan ang study note sa 1Ti 1:18.) Kaya naging malinaw na ang espiritu ni Jehova ang aakay kay Timoteo sa mga gagawin niyang paglilingkod. Dahil diyan, agad na binigyan ng matatandang lalaki sa Listra si Timoteo ng espesyal na atas at ipinasama siya kay Pablo.—Gaw 16:1-5.

      ipatong sa iyo . . . ang kanilang mga kamay: Tingnan ang study note sa Gaw 6:6.

      lupon ng matatandang lalaki: Ginamit dito ni Pablo ang salitang Griego na pre·sby·teʹri·on para tumukoy sa isang grupo ng matatandang lalaki. Kaugnay ito ng salitang madalas isaling “matandang lalaki.” (Tingnan sa Glosari, “Matanda; Matandang lalaki.”) Sa Luc 22:66 (tingnan ang study note) at Gaw 22:5 (tingnan ang study note), ang terminong pre·sby·teʹri·on ay tumutukoy sa “kapulungan ng matatandang lalaki,” na malamang na ang Judiong Sanedrin. Lumilitaw na ginagamit din ang terminong Griegong ito para sa mga lalaking nangunguna sa mga komunidad ng mga Judio sa iba’t ibang bahagi ng Imperyo ng Roma. Ipinapakita sa talatang ito na ito rin ang terminong ginagamit ng mga Kristiyano para sa grupo ng “matatandang lalaki,” o mga lalaking nangunguna, sa bawat kongregasyon. Makikita rin sa ibang teksto na karaniwan nang higit sa isa ang matandang lalaki sa bawat kongregasyon.—Tingnan ang study note sa Gaw 14:23; 20:17; Fil 1:1.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share