-
1 Timoteo 5:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Ngunit kung ang sinumang babaing balo ay may mga anak o mga apo, matuto muna ang mga ito na magsagawa ng makadiyos na debosyon sa kanilang sariling sambahayan+ at patuloy na magbayad ng kaukulang kagantihan sa kanilang mga magulang+ at mga lolo’t lola, sapagkat ito ay kaayaaya sa paningin ng Diyos.+
-
-
1 TimoteoTulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
-
Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mag-alaga sa kanilang kapamilya bilang pagpapakita ng makadiyos na debosyon: Maraming beses binanggit ni Pablo ang “makadiyos na debosyon” (sa Griego, eu·seʹbei·a) sa liham niyang ito kay Timoteo. Ang anyong pangngalan nito ay tumutukoy sa matinding paggalang at paghanga sa Diyos. (Tingnan ang study note sa 1Ti 4:7.) Dito, ginamit ni Pablo ang anyong pandiwa nito (eu·se·beʹo, isinaling “bilang pagpapakita ng makadiyos na debosyon”) para ipakita na ang matinding paggalang sa Diyos ang magpapakilos sa mga Kristiyano na alagaan ang magulang nila, lolo, o lola na wala nang asawa. Sa ilang salin ng Bibliya, ang ginamit ay “bilang paggalang” o “bilang pagtupad sa obligasyon nila.” Pero hindi makikita sa mga saling ito na ang kaugnayan sa Diyos ng isang Kristiyano ang dahilan kung kaya ginagawa niya ang atas na ito nang may pagtitiis, kagalakan, at pag-ibig, kahit na kadalasan nang nakakaubos ito ng lakas, pisikal man o emosyonal. (Ec 12:1-8) Ang pandiwang ginamit ni Pablo ay nagpapakitang ang pag-aalaga sa mga nabiyudo o nabiyudang kapamilya ay pangunahin nang ekspresyon ng matinding paggalang sa Diyos at pagsunod sa mga utos niya may kaugnayan sa buhay-pampamilya.—Exo 20:12; Mat 15:3-6; 1Ti 5:8; San 1:27.
bilang pagpapakita ng makadiyos na debosyon: Sa ilang saling Hebreo ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang salin sa pariralang ito ay “mag-alaga (manguna) sa kanilang pamilya nang may karunungan at takot kay Jehova.”—Ihambing ang study note sa 1Ti 2:2.
-