Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Timoteo 1:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Iniligtas niya tayo at tinawag para maging banal,+ hindi dahil sa mga ginawa natin, kundi dahil sa kalooban niya at walang-kapantay na kabaitan.+ Napakatagal na panahon na ang nakalilipas mula nang ibigay niya ito sa atin dahil kay Kristo Jesus,

  • 2 Timoteo 1:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Iniligtas+ niya tayo at tinawag tayo sa isang banal na pagtawag,+ hindi dahilan sa ating mga gawa,+ kundi dahilan sa kaniyang sariling layunin at di-sana-nararapat na kabaitan. Ito ay ibinigay sa atin may kaugnayan kay Kristo Jesus bago pa ang lubhang mahabang mga panahon,+

  • Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:9

      Napakatagal na panahon na ang nakalilipas: May kaugnayan sa hula sa Gen 3:15 ang pasiya ni Jehova na pumili ng ilang tagasunod ni Jesus para mamahalang kasama ng Anak Niya sa Kaharian sa langit. (Gal 3:16, 29) Inihayag agad ni Jehova ang layunin niya matapos magkasala ni Adan, na nangyari libo-libong taon bago isinulat ni Pablo ang liham niya kay Timoteo. Kaya nasabi ni Pablo na “napakatagal na panahon na ang nakalilipas” mula nang ipakita ang walang-kapantay na kabaitang ito. Sa ibang Bibliya, isinalin itong “mula pa ng mga panahong walang hanggan,” na nagpapahiwatig na bago pa umiral ang mga tao, itinakda na ng Diyos ang mga pangyayaring binanggit ni Pablo. Pero ayon sa isang diksyunaryo, ang ekspresyong Griego para sa “napakatagal na” sa kontekstong ito ay “tumutukoy sa isang espesipikong yugto ng panahon na napakatagal nang lumipas.” (Ihambing ang Ro 16:25; ihambing ang study note sa Ro 8:28.) Matagal nang sinabi ng Diyos kung ano ang mangyayari sa hinaharap, at siguradong matutupad ang mga layunin niya.—Isa 46:10; Efe 1:4.

      nang ibigay niya ito sa atin dahil kay Kristo Jesus: Tinutukoy dito ni Pablo ang isang partikular na ekspresyon ng “walang-kapantay na kabaitan” ni Jehova sa ilang tao—ang pagtawag sa kanila para maging banal at mamahalang kasama ni Kristo sa langit. Patiunang nagpasiya si Jehova na mag-ampon ng ilan sa mga tagasunod ni Jesus. Naging posible ang walang-kapantay na kabaitang ito dahil sa pantubos ni Kristo Jesus.—Ro 8:15-17; 2Ti 2:10; tingnan ang study note sa Efe 1:5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share