Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Timoteo 2:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 kung patuloy tayong magtitiis, maghahari din tayong magkakasama;+ kung ikakaila natin siya, ikakaila rin niya tayo;+

  • 2 Timoteo 2:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 kung patuloy tayong magbabata, mamamahala rin tayong magkakasama bilang mga hari;+ kung tayo ay magkakaila,+ ikakaila rin niya tayo;

  • Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:12

      kung patuloy tayong magtitiis: Ipinapaalala ng ekspresyong ito ang pangako ni Jesus: “Ang makapagtitiis hanggang sa wakas ay maliligtas.” (Tingnan ang study note sa Mat 24:13.) May napakagandang pag-asa si Pablo at ang mahal niyang kaibigang si Timoteo—ang mamahalang kasama ni Kristo. (Luc 22:28-30) Dito, idiniriin ni Pablo na kailangang magtiis para makuha ang gantimpalang iyan. Hindi niya inisip na sigurado na ang pag-akyat niya sa langit dahil lang sa pagiging pinahiran niya. (Tingnan ang study note sa Fil 3:14.) Alam niya kasi na may ilang pinahirang Kristiyano na tumalikod sa pananampalataya. (Fil 3:18) Pero tiwala si Pablo na kaya niyang manatiling tapat hanggang kamatayan.—2Ti 4:6-8.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share