Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Timoteo 2:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Sa kabila nito, nananatiling matatag ang matibay na pundasyon ng Diyos, kung saan nakasulat, “Kilala ni Jehova* kung sino ang sa kaniya,”+ at, “Talikuran ng lahat ng tumatawag sa pangalan ni Jehova*+ ang kasamaan.”

  • 2 Timoteo 2:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Gayunpaman, ang matatag na pundasyon ng Diyos ay nananatiling nakatayo,+ na taglay ang tatak na ito: “Kilala ni Jehova yaong mga nauukol sa kaniya,”+ at: “Talikuran ng bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova+ ang kalikuan.”+

  • 2 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:19

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1288-1289

      Ang Bantayan,

      7/15/2014, p. 8-10, 12-16

  • Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:19

      matibay na pundasyon ng Diyos: Hindi sinabi ni Pablo kung ano ang tinutukoy niya ditong “matibay na pundasyon,” pero sa ibang mga liham niya, ginamit niya ang terminong “pundasyon” para tumukoy sa katatagan at pagkamaaasahan. Halimbawa, ikinumpara niya sa pundasyon ang papel ni Jesus sa layunin ni Jehova. (1Co 3:11) Sa Efe 2:20, may binanggit si Pablo na “pundasyon ng mga apostol at mga propeta.” At ganiyan din ang pagkakalarawan niya sa kongregasyong Kristiyano. (Tingnan ang study note sa 1Ti 3:15; tingnan din ang Heb 6:1.) Sa dalawang naunang talata (2Ti 2:17, 18), hinimok ni Pablo si Timoteo na labanan ang apostatang mga turo. Para patibayin si Timoteo na laging maaasahan at hindi nagbabago ang mga pamantayan, gawain, at katangian ni Jehova, ginamit ng apostol ang ekspresyong “nananatiling matatag ang matibay na pundasyon ng Diyos.”—Aw 33:11; Mal 3:6; San 1:17.

      kung saan nakasulat: O “na may ganitong tatak.” Puwede itong tumukoy sa marka ng isang pantatak o sa isang inskripsiyon na indikasyon ng pagmamay-ari o pagiging tunay ng isang bagay. (Tingnan sa Glosari, “Pantatak; Tatak.”) Karaniwan lang noon na makakita ng inskripsiyon sa isang pundasyon o iba pang bahagi ng gusali na nagpapakilala sa nagtayo o sa may-ari nito o nagsasabi kung para saan ang gusaling ito. (Ihambing ang study note sa 2Co 1:22; Efe 1:13.) May binabanggit sa Apocalipsis na mga batong pundasyon kung saan nakasulat ang pangalan ng mga apostol. (Apo 21:14) May dalawang mahalagang ekspresyon sa “tatak” na binabanggit dito ni Pablo, gaya ng ipapaliwanag sa susunod na mga study note.

      “Kilala ni Jehova kung sino ang sa kaniya”: Nang sumipi si Pablo sa Bil 16:5, lumilitaw na ginamit niya ang ulat tungkol sa rebelyon nina Kora, Datan, at Abiram para tiyakin kay Timoteo na kilala ni Jehova kung sino ang mga nagrerebelde sa Kaniya. Kayang pigilan ni Jehova ang kasamaan nila, at siguradong gagawin niya iyon. Kung paanong pinigilan ni Jehova si Kora at ang mga tagasuporta niya daan-daang taon na ang nakalilipas, hindi rin niya hahayaan ang mga apostata noong unang siglo na hadlangan ang layunin niya. Pero gaya ng sabi ni Moises, alam din ni Jehova kung sino ang mga tapat sa Kaniya. Kilalang-kilala niya sila, at ipinapadama niya na sinasang-ayunan niya sila.—Tingnan ang mga study note sa Gal 4:9.

      Jehova: Dito, sumipi si Pablo sa Bil 16:5 (salin ng Septuagint), kung saan sinabi ni Moises kay Kora at sa mga tagasuporta nito na “kilala [ni Jehova] kung sino ang sa kaniya.” Ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo. Kaya tama lang na gamitin sa mismong teksto ng saling ito ang pangalang Jehova.—Tingnan ang Ap. C1 at C2.

      “Talikuran ng lahat ng tumatawag sa pangalan ni Jehova ang kasamaan”: Makikita sa pagkakasulat ni Pablo na sinipi niya ang bahaging ito. Pero hindi makikita ang eksaktong pananalitang ito sa Hebreong Kasulatan. Kakasipi lang ni Pablo mula sa Bilang kabanata 16, kung saan mababasa ang ulat ng pagrerebelde ni Kora. Kaya posibleng ang sinipi niya ay ang sinabi ni Moises sa Bil 16:26. Kailangang magdesisyon agad ang mga tapat kay Jehova noong panahon ni Moises at humiwalay sa masasama. Kaya pinapatibay din ni Pablo si Timoteo at ang iba pang tapat na mga Kristiyano na layuan, o tanggihan, ang lahat ng uri ng kasamaan, kasama na ang mga binanggit ni Pablo sa konteksto—pag-aaway tungkol sa mga salita, “walang-saysay na mga usapan,” apostatang mga turo, at “walang-patutunguhan at walang-kabuluhang mga debate.”—2Ti 2:14, 16, 18, 23.

      tumatawag sa pangalan ni Jehova: Ang bahaging ito ng sinabi ni Pablo ay posibleng galing sa salin ng Septuagint sa Isa 26:13. Ipinapakita sa orihinal na tekstong Hebreo na ang ‘pangalang’ ito ay tumutukoy sa pangalan ng Diyos.—Tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; 2Ti 2:19b.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share