-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
isa na hahatol sa atin sa mga ginagawa natin: Dito, posibleng maisip ng mambabasa ang isang taong sumusuri sa ginagawa ng mga nasa ilalim ng awtoridad niya. (Ihambing ang Mat 18:23; 25:19; Luc 16:2, kung saan mababasa rin ang ganiyang ideya.) Sa Diyos mananagot ang lahat ng tao. (Aw 62:12; Kaw 24:12; Ec 12:13, 14; Ro 2:6; 14:12; 2Te 1:7-9; 1Pe 1:17; 4:5) Hindi sinasabi ni Pablo na inaabangan ni Jehova ang mga pagkakamali ng mga Kristiyano para parusahan sila. Sa halip, binabantayan niya ang bayan niya dahil mahal niya sila at gustong-gusto niya silang gantimpalaan.—Kaw 19:17; Isa 40:10; Mat 6:4, 6; Heb 11:6.
-