-
Hebreo 6:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Kaya pagkatapos magpakita ni Abraham ng pagtitiis, ipinangako ito sa kaniya.
-
-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pagkatapos magpakita ni Abraham ng pagtitiis: Nangako si Jehova kay Abraham na siya ay magiging “isang malaking bansa” at na “pagpapalain ang lahat ng pamilya sa lupa sa pamamagitan” niya. (Gen 12:1-4; ihambing ang Gaw 7:2, 3 at study note.) Inulit ni Jehova ang pangako niya noong nasa Canaan si Abraham para tiyaking matutupad ito. (Gen 13:16) Pero wala pang anak si Abraham nang panahong iyon. Sa wakas, pagkalipas ng 25 taon mula nang mangako ang Diyos, nakita ni Abraham na nagsimula nang matupad ang sinabi ng Diyos nang isilang si Isaac. (Gen 21:2, 5) At pagkalipas ulit ng mga 25 taon (ayon sa paniniwala ng mga Judio), pinatunayan ni Abraham na handa siyang ihandog si Isaac. Nang pagkakataong iyon, ipinanumpa ng Diyos “ang sarili niya” para pagtibayin ang pangako niya.—Heb 6:13 at study note, 14; 11:17; Gen 22:15-18.
-