Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 6:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Dahil ipinanunumpa ng mga tao ang mas dakila sa kanila, at ang panunumpa nila ang tumatapos sa bawat pagtatalo, dahil iyon ay isang legal na garantiya sa kanila.+

  • Hebreo 6:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Sapagkat ipinanunumpa ng mga tao ang isa na mas dakila,+ at ang kanilang sumpa ang siyang wakas ng bawat pagtatalo, yamang iyon ay isang legal na garantiya sa kanila.+

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6:16

      isang legal na garantiya: Ang salitang Griego na ginamit dito ay isa sa maraming termino sa batas na makikita sa kontekstong ito. Tumutukoy ang terminong ito sa panunumpang karaniwang ginagawa para tiyakin ang isang bagay. (Ang iba pang halimbawa ng mga termino sa batas na ginamit sa Heb 6:13-18 ay “panunumpa,” “pagtatalo,” “hindi mababago,” at “ginarantiyahan.” Tingnan din ang study note sa Fil 1:7, kung saan ang terminong Griego sa Heb 6:16 ay isinaling “legal na pagtatatag.”) Makikita sa Hebreong Kasulatan na madalas ipanumpa ng mga tao ang Diyos o ang pangalan niya. (Gen 14:22; 31:53; Deu 6:13; Jos 9:19, 20; Jer 12:16) Binanggit ni Pablo ang tungkol sa panunumpang ito para idiin ang susunod niyang punto—naging sigurado at talagang mapagkakatiwalaan ang pangako ng Diyos kay Abraham dahil sa panunumpa Niya.—Heb 6:17, 18.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share