Talababa
b Ang isang detalyadong pagtalakay sa pagtangkilik ng klero sa Digmaang Pandaigdig I ay ibinibigay sa aklat na Preachers Present Arms, ni Ray H. Abrams (New York, 1933). Sabi ng aklat: “Binigyan ng mga klero ang digmaan ng espirituwal na kahulugan at pangganyak. . . . Ang digmaan mismo ay isang banal na digmaan upang itaguyod ang Kaharian ng Diyos sa lupa. Ang pagbibigay ng isa ng kaniyang buhay alang-alang sa kaniyang bayan ay pagbibigay nito sa Diyos at sa kaniyang Kaharian. Ang Diyos at ang bansa ay naging magkasingkahulugan. . . . Ang mga Aleman at ang mga Allies ay magkatulad sa bagay na ito. Ang bawat panig ay naniniwala na nasa panig nila ang Diyos . . . .Karamihan ng mga teologo ay walang anumang problema sa paglalagay kay Jesus sa pinakaunahan ng pinakamahigpit na labanan na pinangungunahan ang kaniyang mga hukbo sa tagumpay. . . . Ang simbahan sa gayon ay naging mahalagang bahagi ng sistema ng digmaan. . . . Ang mga lider [ng simbahan] ay hindi nag-aksaya ng panahon sa lubusang pag-organisa sa isang panahon-ng-digmaang saligan. Sa loob ng biente-kuwatro oras pagkatapos ng deklarasyon ng digmaan, ang Federal Council of the Churches of Christ sa Amerika ay nagplano para sa lubusang pakikipagtulungan. . . . Marami sa mga simbahan ang higit pa ang ginawa kaysa hiniling sa kanila. Sila ay naging mga istasyong nangangalap sa pagpapalista sa pagsusundalo sa mga hukbo.”—Mga pahina 53, 57, 59, 63, 74, 80, 82.