Talababa
a Ang CJD (Creutzfeld-Jacob disease) ay isang kalagayan ng tao na katulad ng BSE at dala ng katulad na virus. Ang pagkabaliw ay mabilis na kumakalat, at ang maysakit ay maaaring walang kaya sa loob ng isang taóng rikonosi. Ang CJD ay maaaring ilipat sa pamamagitan ng mga pagsasalin ng dugo at mga transplant ng himaymay ng katawan. Mga 2,000 katao sa Britaniya at 7,000 sa Estados Unidos ang nanganganib bilang mga tagapagdala dahil sa sila’y tumanggap ng mga iniksiyon ng hormone na pampalaki na kinuha sa pituitary glands ng mga bangkay. Sabi ni Dr. Paul Brown, direktor ng U.S. National Institutes of Health: “Ang anumang sangkap mula sa isang pasyenteng may sakit na CJ ay isang potensiyal na time-bomb.”