Talababa
b Kung ikaw ay patagong sumusubok na humitit ng tabako, pakisuyong humingi ka ng tulong sa pamamagitan ng pagsasabi ng iyong problema sa iyong mga magulang. (Kawikaan 28:13) Maaaring mabalisa sila na malaman ang iyong problema. Ngunit kung sila ay mga Kristiyano, at mawala na ang kanilang pagkabalisa, tutulungan ka nila upang huwag nang maulit ang pagkakamali mo. Malaking tulong din at patitibayin-loob ka ng mga tagapangasiwa sa lokal na kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa bagay na ito.—Santiago 5:14, 15.