Talababa
a Ang mga Saksi ni Jehova, sa kanilang pananabik sa ikalawang pagparito ni Jesus, ay nagmungkahi ng mga petsa na hindi wasto. Dahil dito, tinatawag sila ng ilan na bulaang mga propeta. Gayunman, sa mga pagkakataong ito ay hindi nila kailanman ipinalagay na sila’y nanghula ‘sa pangalan ni Jehova.’ Kailanman ay hindi nila sinabi, ‘Ito ang mga salita ni Jehova.’ Ang Bantayan, ang opisyal na babasahin ng mga Saksi ni Jehova, ay nagsabi: “Wala kami ng kaloob ng panghuhula.” (Enero 1883, pahina 425) “Ni ipinalalagay man namin na ang aming mga sinulat ay pagpitaganan o ituring na hindi nagkakamali.” (Disyembre 15, 1896, pahina 306) Sinabi rin ng Ang Bantayan na ang bagay na ang ilan ay nagtataglay ng espiritu ni Jehova ay “hindi nangangahulugan na ang mga sinulat sa magasing ito ng Ang Bantayan ay kinasihan at hindi nagkakamali o walang pagkakamali.” (Mayo 15, 1947, pahina 157) “Ang Bantayan ay hindi nag-aangkin na kinasihan sa mga sinasabi nito, ni ito man ay dogmatiko.” (Agosto 15, 1950, pahina 263) “Ang mga kapatid na naghahanda ng mga publikasyong ito ay nagkakamali. Ang kanilang mga sinulat ay hindi kinasihan na gaya ng mga isinulat ni Pablo at ng iba pang mga manunulat ng Bibliya. (2 Tim. 3:16) Dahil dito, kung minsan, habang lumiliwanag ang pang-unawa, kinakailangang iwasto ang mga palagay. (Kaw. 4:18)”—Pebrero 15, 1981, pahina 19 (sa Ingles).