Talababa
b Sa katunayan ay sinabi ni Jesus sa kaniyang mga kaaway: “Igiba ninyo ang templong ito, at aking itatayo sa tatlong araw.” (Juan 2:19-22) Ngunit gaya ng binabanggit ni Juan, tinutukoy ni Jesus, hindi ang templo sa Jerusalem, kundi “ang templo ng kaniyang katawan.” Sa gayo’y inihahambing ni Jesus ang kaniyang nalalapit na kamatayan at pagkabuhay-muli sa pagkagiba at pagtatayong-muli ng isang gusali.—Ihambing ang Mateo 16:21.