Talababa
a Bakit ito tinawag na teleskopyong Hubble? Ito’y ipinangalan sa kilalang Amerikanong astronomo na si Edwin Powell Hubble (1889-1953) na nagbigay sa mga siyentipiko ng higit na pang-unawa tungkol sa nakikilala ngayong mga galaksi. Ano ba ang hitsura nito? Ang teleskopyo sa kalawakan ay halos kasinlaki ng isang tangke na pandaang-bakal na nagdadala ng petrolyo o ng isang apat na palapag na gusali, mga 13 metro ang haba, 4 na metro ang diyametro at tumitimbang ng mahigit 12 tonelada sa paglunsad.