Talababa
a Tinangkang suhayan ang mga pagbabawal na ito sa pamamagitan ng pagpilipit sa Kasulatan. Bagaman walang sinasabing ganito sa Bibliya, itinuro ng maimpluwensiyang teologong si Tertullian na yamang isang babae ang sanhi “ng unang kasalanan, at ng kahihiyan . . . ng kapahamakan ng tao,” ang mga babae ay dapat lumakad na “gaya ni Eva na nagdadalamhati at nagsisisi.” Sa katunayan, iginiit niya na dapat pa ngang itago ng isang likas na magandang babae ang kaniyang kagandahan.—Ihambing ang Roma 5:12-14; 1 Timoteo 2:13, 14.