Talababa
a Ang labas ng Oktubre 15, 1991 ng Ang Bantayan, pahina 31, ay nagbibigay ng sumusunod na tuntunin: “Ang dapat isaalang-alang ng isang tunay na Kristiyano ay: Ang pagsunod ba sa isang kaugalian ay nagpapakilala sa iba na ako’y sumusunod sa mga paniwala o mga kaugalian na labag sa Kasulatan? Ang yugto ng panahon at lokasyon ay makaiimpluwensiya sa sagot. Ang isang kaugalian (o disenyo) ay baka may huwad na relihiyosong kahulugan libu-libong taon na ngayon ang lumipas o maaaring may gayong kahulugan sa ngayon sa isang malayong lupain. Subalit huwag nang gumawa ng pagsusuring umuubos-panahon, kundi tanungin ang iyong sarili: ‘Ano ba ang karaniwang paniwala sa lugar na kinatitirhan ko?’—Ihambing ang 1 Corinto 10:25-29.”