Talababa
a Ang kimikal na proseso na ginagamit ng mga baktirya sa pasingawan ay tinatawag na chemosynthesis. Ang terminong ito ay maihahambing sa photosynthesis, ang prosesong pinagagana sa pamamagitan ng enerhiyang buhat sa liwanag at isinasagawa ng mga pananim sa lupa at ng phytoplankton. Ang huling nabanggit ay kinabibilangan ng mga halaman o tulad-halamang mga organismo na matatagpuan sa bandang itaas na bahagi ng karagatan na nasisikatan ng liwanag.