Talababa
a Ang turing ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang gawaing pangangaral ay katulad ng pagturing ni apostol Pablo rito—bilang isang pangangailangan para sa tunay na mga Kristiyano. Sinabi ni Pablo: “Ngayon, kung ipinapahayag ko ang mabuting balita, hindi dahilan iyon upang maghambog ako, sapagkat ang pangangailangan ay iniatang sa akin.” (1 Corinto 9:16) Gayunman, ang kanilang gawaing pangangaral ay boluntaryo dahil malaya silang nagpasiya na maging mga alagad ni Kristo, na lubos na nalalaman ang mga pananagutan na kaakibat ng pribilehiyong iyon.