Talababa
a Ang isang matapat na mambabasa ay agad na sasang-ayon na ang pananalita hinggil sa araw na nakatigil sa kalangitan ay hindi nilayong unawain sa makasiyensiyang paraan kundi ito ay isang obserbasyon lamang kung paano minamalas ang mga bagay-bagay ayon sa pananaw ng mga taong nakasasaksi. Maging ang mga astronomo ay madalas na bumabanggit hinggil sa pagsikat at paglubog ng araw, buwan, mga planeta, at mga bituin. Hindi nila ipinahihiwatig na ang mga bagay na ito sa langit ay literal na umiikot sa palibot ng lupa, kundi sa halip ay waring tumatawid ang mga ito sa ating kalangitan.