Talababa
e Ang ilan sa mga taong ito ay natulungan ng iniinom na gamot. Kalakip dito ang mga gamot na nagpapasigla sa lapay upang maglabas ng mas maraming insulin, ang iba na nagpapabagal sa pagdami ng asukal sa dugo, at ang iba naman na nagbabawas sa insulin resistance. (Karaniwang hindi inirereseta sa Type 1 na diyabetis ang iniinom na gamot.) Sa kasalukuyan, ang insulin ay hindi maaaring inumin, sapagkat sinisira ng panunaw ang protinang ito bago pa man ito makarating sa daluyan ng dugo. Hindi inaalis ng terapi na insulin o iniinom na gamot ang pangangailangan sa ehersisyo at timbang na pagkain.