Talababa
g Mga 90 porsiyento ng may diyabetis ay may Type 2 na diyabetis. Dati, ito ang tinatawag na “non-insulin dependent” o “adult onset” na diyabetis. Gayunman, ang mga terminong ito ay hindi malinaw, sapagkat mga 40 porsiyento niyaong may Type 2 na diyabetis ay nangangailangan ng insulin. Karagdagan pa, nakababahalang dami ng mga kabataan—ang ilan ay hindi pa nga tin-edyer—ang nasuri na may Type 2 na diyabetis.