Talababa
c Pinagtatalunan ng mga iskolar ang etimolohiya ng pangalang ito. Sa Hebreo, ang Moises ay nangangahulugang “Iniahon; Sinagip sa Tubig.” Ipinaliwanag ng istoryador na si Flavius Josephus na ang pangalang Moises ay dalawang salitang Ehipsiyo na pinagsama na nangangahulugang “tubig” at “iniligtas.” Sa ngayon, naniniwala rin ang ilang iskolar na ang pangalang Moises ay nagmula sa Ehipto subalit ipinapalagay nila na malamang na ang kahulugan nito ay “Anak na Lalaki.” Gayunman, ang pangangatuwirang ito ay ibinatay sa salitang katunog ng “Moises” at ng ilang pangalang Ehipsiyo. Yamang walang sinuman ang talagang nakaaalam kung paano binigkas ang sinaunang Hebreo o Ehipsiyong wika, haka-haka lamang ang gayong mga teoriya.