Talababa
a Sinasabi ng mga eksperto na kahit hindi nagsasalita ang mga inaabusong bata, nahahalata sa kilos nila na may masamang nangyayari sa kanila. Halimbawa, kapag biglang bumalik ang mga paggawi niya noong bata pa siya, gaya ng pag-ihi sa kama, pagiging laging nakadikit sa magulang, o pagkatakot na mapag-isa, baka palatandaan ito na may masamang nangyayari sa kaniya. Hindi naman ito nangangahulugan na minolestiya na nga siya. Mahinahon mo siyang tanungin kung ano ang ikinatatakot niya para mabigyan mo siya ng kaaliwan, kapanatagan, at proteksiyon.