Talababa
a May iba pang katangian ang langgam na tumutulong para makatagal ito sa init. May natatangi itong mga protina sa katawan na hindi basta-basta natutunaw ng matinding init. Mahahaba rin ang paa nito, kaya may distansiya ang katawan nito sa mainit na sahig ng disyerto at nakatatakbo ito nang mabilis. Napakagaling din ng silver ant sa direksiyon, kaya natatandaan nito ang pinakamabilis na ruta pabalik sa lungga nila.