Talababa
c Ganito ang ulat ng Cyclopedia nina McClintock at Strong (Tomo X, pahina 519): “Ang Kristiyanismo ay hindi nakalampas sa paningin ng mga emperador dahil sa mga panggugulo ng mga taong-bayan na pinasimunuan ng paganong mga pari, na nangamba nang makita nila ang kapansin-pansing paglago ng pananampalatayang iyon, at dahil dito kung kaya nagpalabas si Trajan [98-117 C.E.] ng mga utos na unti-unting susugpo sa bagong turo na nag-udyok sa mga tao na mapoot sa kanilang mga diyos. Ang administrasyon ng nakababatang si Pliny, na gobernador ng Bitinia [na nasa hangganan ng Romanong lalawigan ng Asia sa hilaga], ay napabigatan ng mga problemang bumangon dahil sa mabilis na paglaganap ng Kristiyanismo at sa resulta nitong pagkapoot ng mamamayang pagano na nasa kaniyang lalawigan.”