Talababa
a Ang pagrerehistrong ito ay upang mapadali ang paniningil ng buwis ng Imperyong Romano. Kaya, walang-kamalay-malay na nakatulong si Augusto sa pagtupad ng hula tungkol sa isang pinuno na ‘magpapangyaring ang maniningil ay dumaan sa kaharian.’ Patiunang binanggit ng hula ring iyan na “ang Lider ng tipan,” o Mesiyas, ay “mapapahamak” sa kaarawan ng kahalili ng pinunong ito. Pinatay si Jesus sa panahon ng paghahari ng kahalili ni Augusto, si Tiberio.—Daniel 11:20-22.