Talababa
b Ang tabernakulo ay isang malaki at parihabang tolda na may balangkas na kahoy. Pero gawa ito sa pinakamaiinam na materyales​—balat ng poka, telang may magagandang burda, at mamahaling kahoy na nababalutan ng pilak at ginto. Ito ay nasa isang parihabang looban na may napakagandang altar para sa mga hain. Paglipas ng panahon, nagtayo sa gilid ng tabernakulo ng iba pang mga silid para sa mga saserdote. Maaaring isa sa mga silid na iyon ang tulugan ni Samuel.