Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG

Talababa

a Noong ikatlong siglo C.E., binanggit ni Tertullian na ang mga babaing “nagpapahid sa kanilang balat ng mga pamahid, nagkokolerete sa kanilang pisngi, nagpapapungay ng kanilang mga mata sa tulong ng pangkulay [na itim], ay nagkakasala laban sa Kaniya.” Kaniya ring pinintasan ang mga nagkukulay ng kanilang buhok. Sa maling pagkakapit ng mga salita ni Jesus sa Mateo 5:36, sinabi ni Tertullian: “Kanilang tinatanggihan ang Panginoon! ‘Narito!’ sabi nila, ‘sa halip na puti o itim, ginagawa nating dilaw [ang ating buhok].’ ” Isinusog niya: “Mayroon pa riyang mga tao na ikinahihiya ang kanilang katandaan, at ang kanilang puting buhok ay pinaiitim nila.” Iyan ang personal na opinyon ni Tertullian. Subalit kaniyang pinipilipit ang mga bagay-bagay, sapagkat ang kaniyang buong argumento ay nakasalig sa kaniyang pangmalas na ang mga babae ang sanhi ng pagkapariwara ng tao, kaya sila’y dapat ‘lumakad na gaya ni Eva, na nagdadalamhati at nagsisisi’ dahil sa tinanggap na ‘kahihiyan sa unang pagkakasala.’ Walang sinasabing ganiyan ang Bibliya; si Adan ang pinapananagot ng Diyos sa kasalanan ng tao.​—Roma 5:12-14; 1 Timoteo 2:13, 14.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share