Talababa
a Isa pang detalye ang hindi dapat ipagwalang-bahala: Sa nacimiento ng Mexico, ang sanggol ay tinutukoy bilang “ang Batang Diyos” taglay ang ideya na ang Diyos mismo ang pumarito sa lupa bilang isang sanggol. Gayunman, si Jesus ay ipinakikilala ng Bibliya bilang ang Anak ng Diyos na isinilang sa lupa; hindi siya katulad o kapantay ni Jehova, ang Diyos na makapangyarihan-sa-lahat. Isaalang-alang ang katotohanan hinggil dito, na makikita sa Lucas 1:35; Juan 3:16; 5:37; 14:1, 6, 9, 28; 17:1, 3; 20:17.