Talababa
a “Ang pangunahing pagkakaiba [sa pagitan ni Jesus at ng mga Pariseo] ay naging maliwanag lamang dahil sa dalawang magkasalungat na pagkaunawa sa Diyos. Para sa mga Pariseo, ang Diyos ay pangunahin nang isa na gumagawa ng mga kahilingan; para naman kay Jesus ay isa siyang may magandang-loob at mahabagin. Sabihin pa, hindi naman itinatatwa ng Pariseo ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos, ngunit para sa kaniya ay ipinahayag ang mga ito sa kaloob na Torah [Kautusan] at sa posibilidad ng pagtupad sa hinihiling doon. . . . Ang pagsunod sa pasalitang tradisyon, lakip na ang mga alituntunin nito sa pagpapaliwanag sa kautusan, ay minalas ng mga Pariseo bilang ang paraan ng pagtupad sa Torah. . . . Ang pagdakila ni Jesus sa dalawang utos hinggil sa pag-ibig (Mat. 22:34-40) tungo sa antas ng pagiging pamantayan sa pagpapaliwanag at ang kaniyang pagtatakwil sa likas na kahigpitan ng pasalitang tradisyon . . . ay umakay sa kaniya na maging kasalungat ng pagpapaliwanag ng mga Pariseo.”—The New International Dictionary of New Testament Theology.