Talababa
a Nang atasan ni Jehova sina Moises at Aaron upang makipag-usap kay Paraon alang-alang sa kaniyang bayan, sinabi Niya kay Moises: “Ginawa kitang Diyos kay Paraon, at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta.” (Exodo 7:1) Si Aaron ay naglingkod bilang isang propeta, hindi sa pamamagitan ng panghuhula ng mga mangyayari sa hinaharap, kundi sa pamamagitan ng pagiging tagapagsalita ni Moises.