Talababa
b Tungkol sa lubhang karamihan na dumalo sa taunang pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon na idinaos noong Marso 28, 2002, milyun-milyon sa kanila ang hindi pa aktibong naglilingkod kay Jehova. Dalangin natin na ang puso ng marami sa mga interesadong ito ay mapakilos sa madaling panahon upang magsikap sila na maabot ang pribilehiyo na maging mga mamamahayag ng mabuting balita.