Talababa
b Sa isang pagkakataon, nagtungo si Pablo kasama ang apat na iba pang Kristiyano sa templo para linisin ang kanilang sarili sa seremonyal na paraan. Wala nang bisa ang Kautusan noon, ngunit kumilos si Pablo ayon sa payo ng matatandang lalaki sa Jerusalem. (Gawa 21:23-25) Gayunman, maaaring nadama ng ilang Kristiyano na hindi nila magagawang pumunta sa templo o magsagawa ng gayong seremonya. Nagkakaiba-iba noon ang mga budhi, at gayundin sa ngayon.