Talababa
a Sa Kasulatan, may bahagyang pagkakaiba-iba ng kahulugan ang salitang “poot.” Sa ilang konteksto, nangangahulugan lamang ito ng hindi gaanong ibigin. (Deuteronomio 21:15, 16) Ang “poot” ay maaari ring tumukoy sa matinding pagkamuhi ngunit walang anumang layunin na saktan ang kinapopootan, sa halip ay sinisikap itong iwasan dahil sa pagkarimarim dito. Gayunman, ang salitang “poot” ay maaari ring magpahiwatig ng matindi at patuluyang pakikipag-alit na kadalasang may kasamang masamang hangarin. Ang diwang ito ng salita ang tinatalakay sa artikulong ito.