Talababa
a Ipinaliwanag ng La Sagrada Escritura—Texto y comentario por profesores de la Compañía de Jesús (Ang Banal na Kasulatan—Teksto at Komentaryo ng mga Propesor ng Company of Jesus) na “sa mga Persiano, Medo, at Caldeo, ang mga Mago ay bumubuo ng isang uring saserdote na nagtataguyod ng siyensiya ng okulto, astrolohiya, at medisina.” Gayunpaman, pagsapit ng Edad Medya, ang grupo ng mga Mago na naglakbay para makita ang batang si Jesus ay idineklara bilang mga santo at binigyan ng mga pangalang Melchior, Gaspar, at Balthasar. Ang kanilang mga labí ay nakatago diumano sa katedral ng Cologne, Alemanya.