Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG

Talababa

a Bago ang rebolusyon noong Oktubre 1917, ginagamit ng Russia ang sinaunang kalendaryong Julian, ngunit ang karamihan sa mga bansa ay gumagamit na ng kalendaryong Gregorian. Noong 1917, ang kalendaryong Julian ay nahuhuli nang 13 araw sa katumbas nitong kalendaryong Gregorian. Pagkatapos ng rebolusyon, ginamit na rin ng mga Sobyet ang kalendaryong Gregorian, anupat nakaalinsabay na ang Russia sa iba pang bahagi ng daigdig. Gayunman, pinanatili ng Simbahang Ortodokso ang kalendaryong Julian para sa mga pagdiriwang nito at tinawag itong “Sinaunang” kalendaryo. Mababalitaan mong ipinagdiriwang ang Pasko sa Russia tuwing Enero 7. Pero, alalahanin mo na ang Enero 7 sa kalendaryong Gregorian ay katumbas ng Disyembre 25 sa kalendaryong Julian. Kaya, marami sa mga Ruso ang nagsaayos ng kanilang kapaskuhan sa ganitong petsa: Disyembre 25, Pasko ng Kanluran; Enero 1, sekular na Bagong Taon; Enero 7, Pasko ng Ortodokso; Enero 14, Bagong Taon ng Sinaunang Kalendaryo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share