Talababa
a Bagaman isinasalin ng maraming Bibliya ang terminong Hebreo na ’eʹrets bilang “lupain” sa halip na “lupa,” walang dahilan para sabihin na ang ’eʹrets sa Awit 37:11, 29 ay tumutukoy lamang sa lupain na ibinigay sa bansang Israel. Binigyang-katuturan ng Old Testament Word Studies ni William Wilson ang ’eʹrets bilang “ang lupa sa pinakamalawak na diwa nito, kapuwa ang natitirhan at di-natitirhang mga bahagi; kapag ginagamit ito sa limitadong paraan, tumutukoy ito sa isang bahagi ng balat ng lupa, isang lupain o bansa.” Kaya ang una at pangunahing kahulugan ng Hebreong salitang ito ay ang ating planeta, o globo, ang lupa.—Tingnan Ang Bantayan, Enero 1, 1986, pahina 31.