Talababa
a Hindi literal na nakita ni Daniel ang Diyos. Sa halip, ginawa ng Diyos na maging buháy na buháy sa isipan ni Daniel ang kaniyang nakikita. Kaya nang ilarawan ni Daniel ang kaniyang nakita, gumamit siya ng makasagisag na mga pananalita, gaya ng anthropomorphism—ang pag-uukol ng mga katangiang pantao sa Diyos. Ang mga iyan ay nakatutulong para mailarawan ang Diyos sa paraang nauunawaan natin, at hindi dapat ituring na literal.