Talababa
b Gaya ng sinabi ni Noemi, si Jehova ay mabait hindi lang sa mga buháy, kundi maging sa mga patay. Si Noemi ay namatayan ng asawa’t dalawang anak. Namatayan naman si Ruth ng asawa. Tiyak na mahal na mahal nila ang tatlong lalaking iyon. Anumang kabaitang ipinakita kina Noemi at Ruth, sa diwa, ay kabaitan din sa mga lalaking iyon na ang tiyak na hangarin ay ang mapangalagaan sina Noemi at Ruth.