Talababa
a Maganda namang alalahanin ang nakaraan. Pero kung masyado tayong magpopokus doon, hindi na natin mapapansin ang dapat gawin sa kasalukuyan o malilimutan natin ang magagandang mangyayari sa hinaharap. Tatalakayin sa artikulong ito ang tatlong bagay na dapat iwasan para hindi tayo mabuhay sa nakaraan. Pag-uusapan din natin ang mga prinsipyo sa Bibliya at mga halimbawa sa ngayon na tutulong sa atin para maiwasan ang mga iyon.