Talababa
a Kapag pagtitiis sa mga pagsubok ang pag-uusapan, madalas na si Job ang naiisip natin. Ano ang matututuhan natin sa mga naranasan ng tapat na taong ito? Matututuhan natin na hindi tayo puwedeng pilitin ni Satanas na iwan si Jehova. Matututuhan din natin na alam ni Jehova ang lahat ng nangyayari sa atin. At kung paanong tinapos ni Jehova ang mga paghihirap ni Job, darating din ang araw na tatapusin ni Jehova ang lahat ng pagdurusa natin. Kung ipinapakita natin sa mga ginagawa natin na talagang kumbinsido tayo sa mga ito, isa tayo sa mga talagang ‘umaasa kay Jehova.’